May buwelta si Presidential Communications Asst/Sec. Mocha Uson kay Senador Antonio Trillanes IV hinggil sa kasong libel na nakatakdang isampa nito laban sa kaniya.
Sa pahayag ni Asec. Uson sa kaniyang Facebook post, sinabi nito na dapat i-google ni Trillanes ang kahulugan ng salitang “alleged” na kaniyang binigyang diin sa kaniyang isa pang post tungkol sa mga sinasabing offshore accounts ng Senador.
Giit pa ng opisyal, tiyak aniyang babansagan ni Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte na anti-democracy sakaling ito mismo aniya ang maglalabas ng mga nasabing dokumento.
Magugunitang tinawag na fake news ni Trillanes ang mga dokumentong inilabas ng mamamahayag na si Erwin Tulfo na ipinakalat naman ni Uson sa kaniyang Facebook account na pinaniniwalaang ini-abot kay Pangulong Rodrigo Duterte.
SMW:RPE