Planong ilarga ng Department of Health (DOH) sa Enero ng susunod na taon ang bagong package ng anti-tuberculosis medicines na sa kauna-unahang pagkakataon ay para sa mga bata.
Hindi na bago ang mga gamot bagkus reformulations lamang ang mga ito ng dosage na akma sa mga bata at sa kanilang panlasa.
Ang US-based non-profit TB alliance at drug firm, Macleods Pharmaceuticals ang nag-develop ng bagong drugs na pinondohan ng Geneva-based health charity at research group Unitaid.
Ayon sa World Health Organization, maraming mga batang may tuberculosis ang nabibigyang lunas sa tamang paraan.
Kada taon ay isang milyong bata ang tinatamaan ng TB na nagreresulta sa 140,000 fatality.
Ipinaliwanag ng DOH at WHO na bagaman isinasailalim sa treatment ang mga batang may TB, nagkakaroon naman ng negatibong epekto ito dahil hindi tama ang dosage ng gamot na ibinibigay sa kanila.
By Drew Nacino