Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino President Atty. Luke Espiritu na bagamat makatutulong ang pagsasabatas ng panukalang magpapatibay sa pagkakatatag ng Independent Commission for Infrastructure, mas magiging epektibo pa rin ang pagsasabatas sa Anti-Dynasty Law upang tuluyan nang masugpo ang korapsyon.
Ayon kay Atty. Espiritu, makatutulong lamang ang ICI sa mismong proseso ng imbestigasyon sa korapsyon sa bansa at hindi sapat ang pagbibigay ng pangil sa komisyon upang matuldukan na ang pangungurakot.
Dagdag pa ng labor group president, kahit na bigyan pa ng mas mahigpit na kapangyarihan ang ICI, aabutin pa rin ng dekada bago maubos ang mga korap.
Iginiit din ni Atty. Espiritu na kailangang magkaroon ng mas “independent” na komisyon ang pamahalaan upang tuluyang mapanagot ang mga dapat mapanagot.