Nanganganib na tumaas muli ang presyo ng kada piraso ng itlog sa mga susunod na linggo.
Ito ang ibinabala ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines Incorporated (AGAP) at Pork Producers Federation of the Philippines Incorporated (PPFPI) dahil sa taas ng production cost at mga kaso ng Bird flu.
Ayon kay dating AGAP partylist Rep. Nicanor Briones, Vice President ng PPFPI, dapat mapigilan ang pagkalat ng bird flu sa lalong madaling panahon, partikular sa mga lugar na pangunahing supplier ng manok.
Kulang na anya ang supply ng manok, tinatamaan pa ng bird flu ang mga manukan kaya’t magkakaroon ito ng malaking epekto sa demand.