Inihayag ni Lingayen, Pangasinan Mayor Leopoldo Bataoil na nagpositibo siya sa COVID-19.
Kinumpira ito ng alkalde sa kanyang facebook post matapos itong sumailalim sa RT-PCR test at nakararanas ng sintomas ng pag-ubo.
Dahil dito, nanawagan si Bataoil sa mga nakasalamuha nito ng nagdaang mga araw na agad mag-isolate kung may nararamdamang sintomas na naaayon sa DOH guidelines.
Samantala, agad din siyang nakipag-ugnayan sa mga contact tracers para sa mas mabilis na pagsasagawa ng karampatang aksyon. —sa panulat ni Kim Gomez