Kinontra ng Malacañang ang mga alegasyon ni Vice President Jejomar Binay na ginagamit ng mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsasampa ng graft para masira ang mga kalaban sa pulitika.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ang pagtukoy sa mga graft cases na sinasabi sa alegasyon ni Binay ay nasa poder na ng tanggapan ng Ombudsman.
Binigyang diin ni Coloma na naka-sentro ang atensiyon ng pamahalaang Aquino sa mga reporma na ipinatutupad at hindi sa pulitika na tulad ng alegasyon.
Matatandaan na ang Ombudsman ay isang independent institution na tumatanggap ng mga reklamo laban sa mga government officials at hindi kayang saklawan ng kahit na anumang sangay ng pamahalaan.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)