Bahagyang bumaba sa 25,292 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon kumpara sa 25,684 noong linggo.
Sa datos ng DOH kahapon, nakapagtala ng 2,038 additional COVID-19 cases kaya’t sumampa na sa 3,908,295 ang kabuuang kaso.
Kabilang na rito ang 3,820,691 recoveries at 62,342 death toll.
Gayunman, ang mga bagong kaso ay mababa sa average number na daily infections simula noong September 5 hanggang 11 na 2,197.
Samantala, nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinaka-maraming infections sa nakalipas na dalawang linggo na 9,201; sinundan ng CALABARZON, 3,795 at Central Luzon, 2,361.