Nanawagan ng tulong ang punong ehekutibo sa mga LGUs na kumbinsihin ang mga residente ng mga ito na naninirahan sa mga ‘low lying areas’ na lumipat na sa mas ligtas na lugar.
Ayon kasi kay Pangulong Rodrigo Duterte, may mga housing resettlement ang pamahalaan na siguradong ligtas na malilipatan.
Dipensa ng Pangulo, hindi naman maikakailang pahirapan talaga ang pagkukumbinsi ng mga awtoridad sa mga residente na lumikas o lumipat ng ibang bahay.
Pagdidiin pa ng Pangulo, hangga’t hindi lumilipat ang mga residente na naninirahan sa mga delikadong lugar, panigurado anito na paulit-ulit lamang ang trahedya.