Asahang lolobo sa 27,000 ang aktibong Covid-19 cases sa bansa sa katapusan ng taon kung luluwagan ng gobyerno ang mobility ng mga tao.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung papayagan lumabas ang lahat ng tao pero hindi naman nasusunod ang minimum public health standards ay hindi malayong tumaas muli ang kaso ng Covid-19.
Batay aniya ito sa kanilang projections sa mga scenario kung saan mayroong increased mobility sa 98 mula sa 94% at decrease ng compliance sa public health standards sa 22% mula sa 13%.
Sa ngayon ay bumaba sa halos dalawampung libo ang aktibong kaso ng covid-19 sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino