Umabot na sa 94 ang Kadiwa Centers na nagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo, ayon sa Department of Agriculture. Ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang programa hanggang 2028.
Mula May 13 hanggang June 30, mahigit 804,000 kilo ng bigas ang naibenta sa higit 105,000 pamilya sa Luzon at Visayas.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang senior citizens, solo parents, PWDs, mahihirap, at minimum wage earners.