Naitala sa pinakahuling survey ng Tangere ang pinakamataas na public distrust sa pamahalaan sa loob ng tatlong taon.
Batay sa survey, pito sa sampung Pilipino o 70 percent ang suportado ang mungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano na magkaroon ng snap elections dahil sa pagkadismaya ng publiko sa performance ng mga national institution.
Pinakamaraming pabor na magsagawa ng early election sa Visayas at Mindanao, na nagpapakita rin ng malakas na pagsuporta kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay nito, umabot sa 42 percent ang distrust rating sa Kamara; 39 percent sa Senado; 30 percent sa Office of the President; at 28 percent sa Office of the Vice President.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng mobile-based respondent platform, na nilahukan ng 1,500 participants sa buong bansa.