Umabot sa 6.1 tons o 6,100 kilograms ang basaurang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority sa National Capital Region noong halalan.
Ayon sa MMDA, halos 300 bag ng basura ang nakuha mula sa 17 lungsod at isang bayan sa Metro Manila.
Pinakamaraming nakolektang basura sa Malabon na 1.48 tons o 1,480 kilos; sinundan ng Maynila, 0.97 tons; Parañaque, 0.72 tons; at District 1-B sa Quezon City, 0.59 tons.
Nabatid na hinimok ng Ecowaste Coalition ang mga publiko na isagawa ang isang ‘basura-free na halalan’.—sa panulat ni John Riz Calata