Naghatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Indigenous People (IP) sa Cebu.
Ito ang hakbang ng pamahalaan at DSWD na layong tugunan ang mga pakalat-kalat na I.P sa lansangan.
Ayon kay DSWD Undersecretary Sally Navarro, 600 na indibidwal ang nabigyan ng tulong kabilang ang pamamahagi ng hygiene kits, homelife kits, noche buena packs, educational at livelihood assistance.
Nakatanggap na rin anya ng kani-kanilang birth certificate ang higit 40 batang ati sa Naga City habang 57 batang sama-badjao ang naiparehistro mula Alaska, Mambaling, Cebu City.
Samantala, lumahok din sa programa ang mga ibang ahensya ng pamahalaan. —sa panulat ni Jenn Patrolla