Nanganganib malugmok sa matinding kahirapan ang may 60-milyon katao sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay World Bank President David Malpass, mabubura na ang lahat ng anumang tinamong progreso ng poverty alleviation programs sa nakaraang tatlong taon.
Ayon kay Malpass, nasa 100 bansa na ang kanilang inaayudahan sa inilaan nilang $160-billion na pondo para sa COVID-19 pandemic.
Gayunman, hindi anya ito sapat kaya’t nanawagan sya sa iba pang donor nations na paigtingin pa ang pagtulong sa health systems, economic at social services sa mga mahihirap na bansa.