Niyanig ng magkakasunod ng lindol ang probinsya ng Batangas ngayong Linggo ng gabi, Enero 19.
Pinakamalakas na naitala ng Phivolcs ay ang magnitude 4.6 na lindol na yumanig sa Mabini, Batangas dakong 8:59 p.m.
Naramdaman sa mga sumusunod na lugar ang lindol:
- Intensity V- Mabini at Bauan, Batangas
- Intensity IV- Batangas City at Santo Tomas, Batangas
- Intensity III- Malvar, Cuenca, Tanauan, San Pascual and Calatagan, Batangas; Puerto Galera, Oriental Mindoro, at San Pablo, Laguna
- Intensity II- Alfonso, Cavite; San Teodoro, Oriental Mindoro.
Naramdaman din ang Instrumental Intensity I sa Tagaytay City, Cavite.
Samantala, ilang oras ang makalipas ay sinundan naman ito ng magnitude 4.0 na lindol sa kaparehong lugar dakong 10:02 p.m.
Bukod sa mga nabanggit, mayroon pang 6 na pagyanig ang naitala ng Phivolcs ngayong gabi sa Mabini, Batangas na may lakas na naglalaro sa magnitude 1.6 hanggang magnitude 3.3.
Ito na ang ika-1 linggo magmula nang makaranas ng mga pagyanig ang probinsya ng Batangas at Cavite dahil sa pagaalburoto ng bulkang Taal noong Enero 12.