Tinatayang anim na milyong doses ng single-shot Johnson & Johnson COVID-19 vaccine ang ilalaan ng pamahalaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na nakitaan ng low vaccination status dahil sa vaccine hesitancy ng mga residente.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., problema talaga ang vaccine hesitancy ngunit nang magpadala aniya sila ng Johnson & Johnson vaccine ay naging mataas ang acceptance rate sa lugar.
Kaugnay nito, bumili na aniya ang gobyerno ng anim na milyong doses ng naturang bakuna upang matugunan ito.—sa panulat ni Hya Ludivico