Kumpiyansa si House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na gagawin rin ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang hakbang na ginawa noon ni dating House Speaker Martin Romualdez sa mabilis na paglalaan ng pondo sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
Ito’y dahil sa posibleng epekto ng Super Typhoon Nando na pinalakas ng hanging habagat sa ilang lugar sa bansa.
Sa ambush interview, sinabi ni DS Ortega na mas mainam kung mas maaga ang preparasyon sa bawat rehiyon, partikular ang operasyon sa mga programa ng national government.
Sinabi ni Ortega na hindi maaaring ipagsawalang-bahala ang epekto ng bagyo kaya inaasahan na nila ang magiging hakbang ng Kamara laban sa natural calamities.
Dagdag pa ni Ortega na magkakaroon sila ng meeting para sa bagong direksiyon at tatahakin sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Dy.