Pumalo sa mahigit 33.7-million pesos ang nakolektang multa ng National Capital Region Police Office sa mga lokal na ordinansa sa Metro Manila mula August 1 hanggang August 15 ng kasalukuyang taon.
Sa datos ng NCRPO, mayroong kabuuang 100,497 na indibidwal ang naitalang lumabag.
Kaugnay nito, sumampa sa 43,356 ang mga pinagmulta; habang 75,598 ang pinagsabihan at pinalaya; at mayroon namang kabuuang 543 na pormal na kinasuhan.
Ilan sa mga naturang paglabag ang paninigarilyo, pag-inom sa publiko, curfew ng mga menor de edad, paggamit ng karaoke nang lampas sa itinakdang oras, at mga paglabag sa batas-trapiko.
Isinagawa ang operasyon ng mga distrito ng pambansang pulisya mula sa Maynila at Quezon City.