Muling nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nasa 51 pasyente sa South Korea matapos gumaling mula sa nabanggit na respiratory disease.
Batay ito sa ulat mula sa isang opiyal sa Seoul kung saan naitala ang karamihan sa nabanggit na kaso sa Daegu at North Ggeongsang Province na siyang itinuturing na sentro ng COVID-19 outbreak sa South Korea.
Ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention, isinasailalim na sa blood tests at iba pang pagsusuri ang mga pasyente para malaman kung muli ba silang nahawaan sa COVID-19 o nagreactivate ang virus.
Una nang napaulat sa Cchina at Japan ang kaso ng mga hinihinalang COVID-19 re-infection.