Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go ng maayos at patas na pandemic recovery sa pamamagitan ng pagtitiyak na may access ang mahihirap sa kanilang pangangailangan.
Sa kaniyang mensahe sa isinagawang distribution activities sa Rodriguez, Rizal sinabi ni Go na hindi dapat pabayaan ang mahihirap dahil gobyerno lamang ang kanilang matatakbuhan.
“Pakiusap, huwag nating pabayaan ang mga kababayan natin, lalung-lalo na ‘yung mga mahihirap, dahil tayo lang ang matatakbuhan nila. Balansehin natin ang pag-ahon ng ating ekonomiya,” ayon kay Go.
Namahagi ang team ng senador ng mga pagkain at masks sa 500 residente sa Barangay Macabud covered court at sa Barangay Mascap covered court.
Ilang piling residente din ang tumanggap ng bagong pares ng sapatos, bisikleta at computer tablets.
Ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development ay namahagi naman ng tulong pinansyal sa mga residente.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Health, patuloy ang pakikipagtulungan ni Go sa gobyerno para masiguro ang proteksyon sa kalusugan ng mga mamamayan.
Hinimok ni Go ang mga nangangailangan ng atensyong medikal na magtungo sa Malasakit Center kung saan sila maaring makakuha ng medical assistance.
Pangunahing layunin ng Malasakit Center na mabawasan ang hospital bill ng mga pasyente.
Sa ngayon ay mayroong 151 centers sa buong bansa.
Ang mga taga-Rizal ay maaring magtungo sa Antipolo City Hospital System Annex IV, Casimiro A. Ynares Sr. Memorial Hospital sa Rodriguez, Bagong Cainta Municipal Hospital, at Margarito A. Duavit Memorial Hospital sa Binangonan para mai-avail ang serbisyo.
“Sa mga pasyente dito, hindi niyo na po kailangang bumiyahe para pumila sa iba’t ibang opisina para makahingi ng tulong mula sa gobyerno. Kung may bill kayo, ilapit niyo lang ‘to sa Malasakit Center. Wala itong pinipili. Basta poor at indigent patient ka, qualified ka,” ayon pa kay Go.
Bilang itinuturing na ‘adopted son; ng CALABARZON region, tiniyak ni Go ang pagsusulong ng mga programa at proyekto na makatutulong sa lokalidad bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance.
Kamakailan, sinuportahan ni Go ang rehabilitasyon ng road, drainage system, slope protection at flood control structures at ang konstruksyon ng Batangas Medical Center Annex.
Sa ngayon nagpapatuloy din ang pagsasaayos ng road at drainage system sa Angono; construction at improvement ng mga bagong kalsada at multi-purpose building sa Baras; pagbili at paglalagay ng street lights sa San Mateo; at pagtatayo ng Taytay Sports Complex.
Noong April 1, ang team ng senador ay nagbigay rin ng kahalintulad na tulong sa 2,000 residente sa Antipolo City at Rodriguez.