Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Bagong bukas na Ortigas Market, Dinagsa ng mga mamimili

by DWIZ 882 October 1, 2022 0 comment
ORTIGAS MARKET

DINAGSA ng mga mamimili ang unang araw ng Ortigas Market sa Emerald Avenue, Barangay San Antonio, Pasig City.

 Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DTC Promos Inc. President & COO Marissa Dames na matagal nilang pinaghandaan ang proyektong ito na aniya’y makatutulong sa iba’t ibang sektor.

 Kasama sa mga kalahok dito ang mga nasa hanay ng Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs at mga beterano sa industriya.

 Bukod naman sa pamahalaang lokal, katuwang din ng DTC sa nasabing community-building project ang DWIZ, IZTV, Home Radio, Business Mirror, Pilipino Mirror, Cook Magazine, Health & Fitness, Graphic Magazine,  Manila Bulletin at Mayani.

 Bukas ang bazaar tuwing araw ng Sabado kung saan mabibili rito ang mga prutas, gulay, pagkain, artisan products o handicrafts at marami pang iba.

Sinabi pa ni Dames na mas marami pang exciting events na dapat abangan ng publiko sa Ortigas Market sa mga susunod na Sabado.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment