Umikot sa apat na isyu ang naging pag-uusap kahapon nina President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Italian ambassador Marco Clemente.
Ayon kay incoming PCOO Secretary Trixie Cruz – Angeles, tinalakay ng dalawa ang pulitika, ekonomiya, imprastruktura at COVID-19 response sa kani-kanilang bansa.
Pinag-usapan din ang 75 diplomatic relationship ng dalawang bansa ngayong taon.
Samantala, may plano na ang Italya na dalhin sa Pilipinas ang Inter-Milan football club upang magsagawa ng Inter-Campus projects sa mga kabataan.