Iniulat ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na 36.9% ng mga senior citizen ang hindi pa nakatatanggap ng pensyon simula 2020.
Kumpara ito 78.9% ng mga nakatatandang edad 60 pataas na hindi nakatanggap ng pensyon noong 2011.
Ito, ayon sa PIDS, ay bunsod ng pagpapalawak ng social pension program kung saan makatatanggap ang mga indigent senior citizen ng 500 piso kada buwan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Tinututukan naman ng kongreso ang posibleng pag-a-upgrade sa pension program sa limang bilyong pisong pondo mula sa 2023 proposed national budget.
Gayunman, may ilang mambabatas ang nais mabigyan ng pensyon ang lahat ng senior citizen. – sa panulat ni Hannah Oledan