Patay ang 35 habang sugatan naman sa pagsabog ang mahigit dalawampung indibidwal sa naganap na pagsabog sa northern Burkina Faso na sakop ng West Africa.
Ayon sa gobernador ng Sahel Region na si Lt. Col. Rodolphe Sorgho, sakay ng isang convoy car ang mga sibilyang biktima habang patungo sana sa bayan ng Bourzanga at Djibo nang madamay sa pagsabog.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng mga miyembro ng islamic extremist rebels ang may gawa ng pagsabog na tumutukoy sa Al-Qaida at Islamic State Group na nakapatay ng libu-libong katao.
Nabatid na ito na ang ika-limang pagsabog na naganap sa naturang lugar mula pa noong nakaraang buwan.