Nahaharap sa kasong double life imprisonment ang tatlong dating pulis na sangkot sa pagpatay sa anak ng dating alkalde ng Sariaya, Quezon Province.
Batay sa resolusyong inihain ni Lucena City Regional Trial Court Branch 53 Judge Dennis Orendain, napatunayang nagkasala sina dating Tayabas City Police Station Chief Col. Mark Joseph Laygo; Police Corporal Lonald Sumalpong; at Patrolman Roberto Legaspi sa kasong pagpatay sa anak ni dating Sariaya, Quezon Mayor Marcelo Gayeta na si Christian Gayeta at kaibigan na si christopher Manalo noong 2019.
Ayon kay Crisanto Buela, abogado ng pamilya Gayeta, hinatulan ng dalawang life imprisonment ang mga akusado dahil sa mga biktima.
Matatandaang sinibak sa serbisyo ang mga akusado matapos mapatunayan ni dating Calabarzon Director Brig. Gen. Edward Carranza, na nagkasala sa kasong administratibo na nag-ugat sa pamamaslang kina Gayeta at Manalo.