Tatlong dating mga rebelde ang dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Motiong, Samar.
Kinilala ang mga biktima na sina Cosme Cabangunay at dalawa nitong anak na lalaki na sina Jevie at Jason.
Ayon sa 8th Infantry Division ng Philippine Army, ang tatlong biktima ay kasalukuyang miyembro ng motion peacebuilders, isang organisasyon ng mga dating rebelde na nagtataguyod ng kapayapaan at pag-unlad ng kanilang komunidad.
Batay sa nakuhang impormasyon ng militar mula kay Cavais Barangay Chairperson Vilma Gabane, pinasok ng humigit kumulang limang armadong kalalakihan ang bahay ng mga biktima at sapilitang isinama ang mga ito.
Kaugnay nito, tiniyak ni 801st Infantry Brigade Commander Colonel Camilo Ligayo na kanilang gagawin ang lahat para mailigtas ang mga biktima.