Gaganapin sa Pilipinas ang ika-27 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) labor ministers meeting ngayong linggo.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), layunin ng pulong na tutukan ang mga programa para sa post pandemic recovery sa Timog-Silangang Asya.
Inaasahang darating sa bansa simula bukas, October 25 hanggang 29 ang iba’t ibang foreign labor ministers kabilang ang mga senior labor officials ng sampung bansang miyembro ng ASEAN.
Pangungunahan ang nasabing aktibidad ni labor secretary Bienvenido Laguesma.
Kabilang din sa tatalakayin ang deployment ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor, pagpapatuloy ng mga programa para sa mga nawalan ng trabaho, digitalization at migration. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla