Sumampa na sa 25 ang death toll matapos ang malakas na pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na 16 ang nasawi sa Northern Mindanao, lima sa Bicol, at tig-dalawa sa Eastern Visayas at Zamboanga.
Sa nasabing bilang ng mga namatay, tatlo pa lamang ang nabeberipika habang siyam katao naman ang nasugatan.
Umabot naman sa 26 ang mga napaulat na nawawala kabilang ang 12 sa Bicol, 11 sa Eastern Visayas, dalawa sa Northern Mindanao, at isa sa Zamboanga.
Kabuuang 393,069 individuals o katumbas ng 102,476 families ang naapektuhan ng sama ng panahon sa 721 barangays sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, CARAGA, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa nasabing bilang ng mga naapektuhang populasyon, nasa 20,723 pamilya ang nananatili sa 292 evacuation centers, habang 13,745 pamilya naman ang nanunuluyan sa iba pang mga lugar.