Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na walang mawawala, mananakaw, o masasayang sa pera ng bayan sa ipapanukalang national budget para sa taong 2026.
Habang naiintindihan ng Pangulo na mga mambabatas ang may kapangyarihang magbalangkas ng pambansang budget, may importanteng trabaho rin aniya ang ehekutibong sangay ng pamahalaan sa pagsasaayos nito sa pamamagitan ng National Expenditure Program.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang nasabing pahayag bilang sagot sa pangamba ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa nasabi niya sa nakalipas na State of the Nation Address na ive-veto niya ang anumang panukalang 2026 General Appropriations Act kung hindi naka-linya sa mga prayoridad ng Marcos administration. —Sa panulat ni Anjo Riñon