Sugatan ang dalawang (2) sibilyan sa nangyaring pananaksak sa isang istasyon ng tren sa Amsterdam.
Ayon sa ulat, naaresto ng mga pulis ang suspek sa naturang insidente matapos na mabaril at masugatan ito ng mga otoridad.
Agad namang dinala ang tatlong sugatan sa ospital para lapatan ng lunas.
Hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo ng suspek sa naturang pananaksak.
Bahagya namang nabalam ang operasyon ng naturang istasyon ng tren dahil sa insidente.