Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang patay matapos maka-engkwentro ng mga tropa ng gobyerno sa Barangay San Manuel, Tarlac City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Victorio Tesorio alyas Ikoy o Reto, 1st Deputy Secretary at Commanding Officer ng komiteng rehiyon – hilagang silangang Luzon at Lolito Raza alyas Lanlan, Commanding Officer ng Danilo Ben Command ng Northern Front-WESTCOM.
Ayon kay Police Regional Office-3 Director, Chief Supt. Amador Corpu, aarestuhin sana ng pinagsanib na pwersa ng Tarlac Police Provincial Office, Criminal Investigation and Detection Group 3 at Intelligence Service unit ng Philippine Army ang arrest warrants laban sa dalawa dahil sa kasong murder.
Pinuntahan ng mga tropa ng gobyerno ang bahay ng isang Jose Dallente Caroy sa Purok 6 subalit nanlaban ang dalawa at nagpaputok kaya’t gumanti ang mga otoridad.
Narekober mula kina Tesorio at Raza ang isang Llama Caliber 45, Colt Caliber 45, dalawang granada, isang laptop at mga subersibong dokumento.
Samantala, kakasuhan naman si Caroy ng paglabag sa Section 1-C ng Presidential Decree 1828 o pagkakanlong ng kriminal.