Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pamunuan ng Diamond Princess cruise ship at iba pang kinauukulan na maging patas at makatarungan sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay TUCP President at Partylist representative Raymond Mendoza, hindi sapat ang dalawang buwang kompensasyon na ibibigay sa 500 Filipino crew ng naturang cruise ship na na-exposed sa COVID-19.
Ani Mendoza, dapat ay maging transparent ang mga ito sa tunay nilang obligasyon sa mga Pinoy crew lalo na sa mga nalagay sa kapahamakan ang kalusugan.
Giit ni Mendoza, kung pagbabasehan ang general labor standards, ang mga crew na infected ng virus o hindi ay entitled sa minimum 13-day sick compensation, paid quarantine period, at medicine at hospitalization expense mula sa Yokohoma at New Clark City quarantine facilities.
Sinabi ni Mendoza na dapat sagutin ng Diamond Princess ang buong repatriation process ng kanilang mga manggagawa.