Inihirit ng Amnesty International sa COVID-19 vaccine manufacturers na bigyan ng 2-B doses ng COVID vaccine ang mga mahihirap na bansa bago matapos ang taon.
Sinabi ni Amnesty Chief Agnes Callamard na dapat unahin muna ang buhay ng mga tao bago unahin ang kita.
Giit ni Callamard, nabakunahan na malaking populasyon sa mga mayayamang bansa ngunit sa ilang bahagi ng Latin America, Africa at Asya ay nagkakamatayan na lang.
Ipinabatid ni Callamard na nangako si US President Joe Biden sa talumpati nito sa UN General Assembly na mapu-fully vaccinate ang pitumpung porsyento ng populasyon ng mundo sa mga darating na buwan.