Irerekomenda ng pamunuan ng Metro Manila Council (MMC) na payagan nang makalabas sa kani-kanilang mga kabahayan ang mga nasa edad 18 hanggang 65 taong gulang.
Ayon kay MMC Chairman At Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang naturang lumutang na rekomendasyon ay paraan ng mga Metro Manila Mayors na muling nang sumigla ang ekonomiya sa kani-kanilang mga lungsod.
Sa hakbang na ito, naniwala ang mga Metro Manila Mayors na makasisigurong makababangon na ang ekonomiya lalo’t mas marami na ang makalalabas ng kanilang mga bahay.
Sa ngayon kasi, alinsunod sa kautusan ng inter-agency task force (IATF), hindi pinahihintulutang makalabas ng mga kabahayan ang mga indibidwal na may edad 20 taong gulang pababa at mga senior citizen, dahil itinuturing ang mga ito na vulnerable sa mga kumplikasyon ng nakamamatay na virus.
Samantala, iginiit pa ni MMC Chairman At Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na nagkasundo ang kanilang grupo sa panukalang i-modify ang age groups para makatugon pa rin sa pagpapasigla ng ekonomiya.