Nahaharap sa reklamong illegal gambling ang 14 na Chinese national na inaresto kamakailan sa Angeles City dahil sa umano’y paglalaro ng poker.
Ayon sa CIDG region 3, nakatanggap sila ng ilang reklamo tungkol sa maiiingay na mga Chinese na nagsusugal gabi-gabi sa ikalawang palapag ng isang convenience store sa Barangay Pampang.
Dahil dito ay nagsagawa sila ng surveillance operations para makumpirma ang ulat at doon na na nila nalaman na naglalaro nga ng poker ang mga Chinese kaya ni-raid nila ang lugar.
Nakuha sa mga suspek ang isang poker table, P15,000 na cash, baraha ng poker at dalawang kaha ng iba’t-ibang coin chips.—sa panulat ni Rex Espiritu