Isang political prisoner na mayroong pneumonia at tuberculosis ang pinalaya sa piitan sa Compostela Valley makaraang ibasura ng korte ang kanyang kaso.
Ayon sa human rights group Karapatan-Southern Mindanao, nakapiling na ni Reynante Malcampo ang kanyang pamilya matapos absuweltuhin sa kasong illegal possession of explosives.
Pebrero 9, 2012 nang arestuhin si Malcampo ng mga sundalo sa bayan ng Pantukan sa hinalang miyembro ng New People’s Army o NPA at may dalang pampasabog.
Iginiit ng pamilya Malcampo at Karapatan na gawa-gawa lamang ang mga akusasyon laban kay Reynante.
By Drew Nacino