BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki makaraang tagain umano sa ulo at leeg ng sariling ama sa bayan ng Sibunag, Guimaras.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Edwin Galimba, 60 taong gulang, at residente ng Barangay Maabay.
Sa imbestigasyon ng Sibunag police, sinuntok umano ng biktima ang kanyang ina matapos ang mainitang pagtatalo kaya’t nagsumbong ito sa asawa na humantong sa pananaga.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.