Halos 900 inmates ng Manila City Jail ang nagtapos sa kanilang pag aaral.
Ang mga preso o tinawag na Persons Deprived of Liberty o PDL ay nagtapos ng Alternative Learning Schools o ALS at Infed Hilot Wellness and Tiles Setting NC-11 courses.
Ayon kay Jail Senior Inspector Jayrex Bustinera, ang 2019 graduates ay pinakamalaking batch o mas mataas sa bilang ng mga nakapagtapos noong 2018 na mahigit 500 PDL graduates.
Ang nasabing graduation ay dinaluhan ng ilang matataas na opisyal pamahalaan.