Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Barangay at SK elections boboykotin ng 3 COMELEC Commissioners

by DWIZ 882 June 28, 2016 0 comment

Hindi na makikialam sa pagpapatakbo ng nalalapit na barangay at SK Elections ngayong taon ang tatlong commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, lilimitahan niya at ng kanyang mga kasama sa COMELEC First Division na sila Commissioner Christian Robert Lim at Luie Tito Guia ang partisipasyon sa operasyon ng nalalapit na barangay at SK elections.

Sinabi pa ni Guanzon na magiging bahagi na lamang sila ng mga en banc deliberations at magfo-focus na lamang sila sa mga pending election cases na hawak ng kanilang division.

Aniya, dapat ay si Chairman Andres Bautista na ang magpatakbo ng nalalapit na barangay at SK election.

By  Mariboy Ysibido 

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment