Home NATIONAL NEWS PNP, wala pang inilalabas na wanted poster para kay Bato Dela Rosa

PNP, iimbestigahan ang mga tumulong upang makatakas si Sen. Bato

by DWIZ 882 November 2, 2026 0 comment
SEN. BATO DELA ROSA

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga indibidwal na tumulong upang makatakas si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration, Lieutenant General Wilson Lopez, hiwalay pa ito sa isasagawa nitong manhunt operation sa puganteng senador, na pinaniniwalaang nasa Mindanao matapos itong tumakas mula sa bulwagan ng Senado noong Mayo sa tulong ni Senador Robin Padilla.

Nagbabala rin si Lopez sa mga indibidwal o grupong nagkakanlong kay Dela Rosa na posible rin silang sampahan ng reklamo, tulad ng obstruction of justice.

Nauna nang napaso ang ultimatum ng PNP kay Dela Rosa na sumuko, habang inanunsyo naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang P50 million na pabuya para sa pagkakaaresto sa puganteng senador. | Sa panulat ni Anjo Riñon

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment