Home NATIONAL NEWS PNP, wala pang inilalabas na wanted poster para kay Bato Dela Rosa

Nagpakilalang alias Chris na nagdala ng maleta kay VP Sara, panibagong tanim-witness, ayon sa kampo ng Bise Presidente

by DWIZ 882 November 2, 2026 0 comment
VP SARA DUTERTE

Itinanggi ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ng isang lalaking nagpakilalang alias “Chris” na dalawang beses siyang naghatid ng maleta ng pera sa Bise Presidente.

Tinawag ni Attorney Salvador Paolo Panelo Jr., tagapagsalita ni VP Sara, na isa na namang “tanim-witness” ang naturang lalaki at sinabing sasagutin ng Bise Presidente ang mga paratang sa pamamagitan ng ebidensiya sa tamang panahon.

Nakarating si Chris sa Davao noong 2021 at 2022 bitbit ang 15 maleta, alinsunod sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Pero aminado siya na hindi niya alam ang halaga ng perang nasa loob ng mga maleta at hindi rin niya nasaksihan ang pagtanggap ng Pangalawang Pangulo sa mga ito. | Sa panulat ni Anjo Riñon

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment