Home NATIONAL NEWS Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

Inflation rate ng Pilipinas, posibleng pumalo sa walong porsyento, ayon sa BSP

by DWIZ 882 October 31, 2026 0 comment
BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS BSP

Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na papalo sa walong porsyento ang inflation rate ngayong Oktubre.

Ayon sa BSP, posibleng umabot sa 7.1 hanggang 8.1 porsyento ang inflation rate ngayong Oktubre.

Ipinaliwanag ng BSP na inaasahang magdudulot ng dagdag-presyo sa mga bilihin ang mataas na singil sa langis, kuryente, at transportasyon.

Gayunman, sinabi ng central bank na posibleng makabawas sa inflation ang mababang presyo ng ilang pangunahing agricultural products gaya ng bigas, gulay, karne, at isda.

Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority ang opisyal na bilang ng inflation sa Nobyembre 5. | S panulat ni Reianne Antiquina

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment