Home NATIONAL NEWS Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

Filipina tennis player Alex Eala, bigong makapasok sa semifinals ng Pan Pacific Open

by DWIZ 882 October 31, 2026 0 comment
ALEX EALA 2026

Nagtapos na ang kampanya ni Filipina tennis sweetheart Alex Eala sa Toray Pan Pacific Open matapos talunin ni world number 13 Diana Shnaider sa quarterfinals.

Nakatanggap ng medical timeout si Eala sa deciding set, sa score na 2-3, matapos mabanat ang kanyang kanang binti habang sinusubukang saluhin ang isang tira ng kalaban.

Binigyan ng agarang medical attention ang world number 19 player bago nagpatuloy ang laban, ngunit nabigo siyang makabawi.

Dahil dito, umabante na si Shnaider sa semifinals, habang nabigo naman si Eala na makabawi sa Russian player matapos ang kanilang laban sa round of 16 ng Ningbo Open noong nakaraang linggo. | Sa panulat ni Reianne Antiquina

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment