Nakuha ni double Olympic champion Carlos Yulo ang ikapitong puwesto sa vault final ng World Gymnastics Championships sa Netherlands.
Nakapagtala si Yulo ng average score na 13.883, mula sa 13.333 sa una niyang vault at 14.433 sa ikalawa.
Nasungkit ni Artur Davtyan ng Armenia ang gintong medalya sa score na 14.850, habang si Filipino-British gymnast Jake Jarman ang nag-uwi ng silver sa score na 14.650.
Nasikwat naman ni Sebastian Sponevik ng Norway ang bronze medal sa score na 14.366.
Nitong Sabado, October 24, nauna nang nakuha ni Carlos Yulo ang ikawalong puwesto sa floor exercise final sa kaparehong torneo. | Sa panulat ni Jordan Gutierrez

