Home NATIONAL NEWS VP Sara, posibleng maharap sa kasong plunder at malversation

VP Sara, posibleng maharap sa kasong plunder at malversation

by DWIZ 882 October 19, 2026 0 comment
VP SARAAA

Posibleng maharap sa kasong plunder at malversation si Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y maling paggamit ng P612.5 million na confidential funds ng Office of the Vice President o OVP at Department of Education (DepEd) noong 2023 hanggang 2024.

Ito ang sinabi ni House Prosecutor Joel Chua, batay na rin sa umiiral na batas tungkol sa wastong paggamit ng pondo ng gobyerno.

Gayunman, kinikilala ni Chua na nasa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman ang pagpapasya kung anong mga kasong kriminal ang maaaring isampa laban sa bise presidente.

Iginiit ni Chua na kailangang maingat na suriin ang mga kasong posibleng isampa bukod sa plunder na lampas sa P50 million ang itinakdang halaga.

Matatandaang ang paggamit ni VP Sara sa confidential funds ay kabilang sa Article 1 ng impeachment complaint na iniharap sa Senado, subalit kabilang ito sa 3 artikulong binawi ng prosecution.

Paliwanag ni Chua, binawi man ang 3 articles of impeachment, pero hindi ito nangangahulugang ligtas na ang bise presidente sa pananagutan dahil lamang sa pagbawi ng mga naturang artikulo sa impeachment trial.

Una nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kinakalap at sinusuri na nila ang mga impormasyon para sa posibleng kasong isasampa laban kay VP Sara.

Handa naman aniya ang prosecution na isumite ang lahat ng ebidensyang nakalap at iniharap sa impeachment proceedings. | Sa panulat ni Geli Mendez

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment