Sa kahuli-hulihang campaign rally para sa 2022 national election ay no show pa rin si dating Vice President at senatorial bet Jejomar Binay.
Ito’y kahit pa man sa Leni-Kiko miting de avance kung saan nasa 800,000 supporters ang dumalo na ginanap sa sarili nitong balwarte sa Makati City.
Ipinaliwanag ng isang political analyst na mahalaga ang pagdalo sa mga campaign rally lalo na sa miting de avance dahil ito na ang pag-consolidate sa buong kampanya ng isang kandidato.
“Maliban na lamang kung may seguridad na ang isang kandidato na mananalo sya ay importante talaga na dumalo ang mga kandidato sa miting de avance ang logic kasi dyan ay pagpapakita kung ano ang stand mo at prinsipyo,” pahayag ni political analyst Mon Casiple.
Kasunod ng hindi pagsipot ni Binay sa Makati rally kung saan isa siya sa guest candidates ng Leni-Kiko tandem senatorial slate ay nag-trending sa social media at sa tiktok ang #NasaansiJojoBinay.
Inasahan ng marami na magpapakita si Binay bilang balwarte nito ang lugar na pinagdarausan ng miting de avance at sa harap na rin ng alegasyon laban sa kanya na “unfit” itong maging senador.
Isang manifestation ang inihain kamakailan sa Commisison on Elections(Comelec) na kinukuwestiyon ang mental capability ni Binay matapos lumabas ang balitang nakakararanas ito ng early signs ng dementia sa edad na 79-anyos.
Sinabi ni dating Owwa Deputy Administrator Mocha Uson na ang hindi pagdalo ni Binay sa mga rally at hindi aktibong pangangampanya ay dulot na rin ng kanyang sakit kaya’t hinamon nito ang dating Pangalawang Pangulo na huwag onsehin ang taumbayan at ilantad ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.
Ang dementia ay isang progressive disease na sa una ay hindi pansin ang sintomas na memory loss at pagiging makakalimutin subalit habang tumatagal ay lumalala ang nasabing kondisyon.