Home NATIONAL NEWS Halos limang toneladang droga na nagkakahalaga ng ₱11.32-B, nasamsam ng PNP sa loob ng siyam na buwan!

Sa gitna ng panghihimasok ng China, PCG, nanindigang patuloy na babantayan ang karagatang sakop ng Pilipinas

by DWIZ 882 October 3, 2026 0 comment
jay tarriela

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na magpapatuloy ang pagbabantay nito sa mga karagatang sakop ng Pilipinas, partikular sa Exclusive Economic Zone (EEZ), laban sa sinasabing panghihimasok ng mga dayuhang sasakyang pandagat.

Ayon kay PCG West Philippine Sea spokesman Rear Admiral Jay Tarriela, nananatiling matatag ang kanilang commitment na protektahan ang teritoryo at maritime interests ng bansa.

Ito ang pahayag ni Tarriela kasunod ng mga naiulat na insidente involving Chinese vessels sa katubigan ng Pilipinas, kabilang ang insidenteng naitala sa Batanes.

Kabilang dito ang Chinese research vessel na Jia Hai Ke 7, na namataan umano sa layong 37 nautical miles mula sa Itbayat, Batanes. Ayon kay Tarriela, aktibo rin umanong minanipula ng naturang sasakyang-dagat ang impormasyon hinggil sa tunay nitong lokasyon.

Nagpaalala rin ang opisyal sa publiko na maging maingat at mapagmatyag sa pakikipag-ugnayan sa mga Chinese national, lalo na sa mga usaping may kaugnayan sa West Philippine Sea. | Sa panulat ni Anjo Riñon

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment