Home NATIONAL NEWS Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

Stable na presyo sa mga pangunahing bilihin ngayong taon, siniguro ng DTI

by DWIZ 882 January 22, 2026 0 comment
bilihin dti

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry na walang nakaambang taas-presyo para sa mga pangunahing bilihin ngayong taon.

Ayon sa DTI, 91% ng mga pangunahing bilihin, kabilang na ang sardinas at instant noodles, ang hindi magtataas ng presyo sa kabila ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa produksyon.

Sumang-ayon din anya ang mga manufacturer na kumuha ng mas mataas na gastos para sa mga raw materials, packaging, logistics, at toll-packing ng mga produkto.

Kabilang sa mga manufacturer na hindi magtataas ng suggested retail price ang Monde Nissin Corp., Unilever Philippines Inc., NutriAsia, Zest-O Corp., at iba pa.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment