Ibinunyag ni Deputy Minority Leader JV Ejercito na naantala ang mga foreign-assisted projects gaya ng railway system, airport, at dams matapos itong mailagay sa unprogrammed funds noong 2024.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Senador Ejercito na nagdulot ito ng maraming problema sa pagpapatupad ng mga proyekto.
Dagdag pa ni Senador JV na dapat sana ay tatakbo na ang ilang subway sa bansa sa taong 2028, ngunit naantala ito hanggang 2032 dahil sa pagkakalipat nito sa unprogrammed funds.
Tiniyak naman ni Senador JV Ejercito na hindi na muling mangyayari ang paglipat ng foreign-assisted funds sa unprogrammed funds sa ilalim ng kanyang pamumuno.