Nananatiling tapat ang Armed Forces of the Philippines sa sinumpaan nitong paglingkuran ang mga mamamayan, konstitusyon, at bayan.
Ito ang binigyang-diin ni AFP spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla matapos mabigo ang tangkang kudeta ng ilang retiradong military official noong Setyembre a-bente-uno.
Ipinunto ni Col. Padilla na hindi solusyon ang “military intervention” sa bawat mabigat na problemang kinakaharap ng bansa, tulad ng ma-anomalyang flood control projects.
Itinanggi rin ng tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan ang mga haka-haka na may mga aktibong sundalo na nais lumahok sa mga kilos-protesta kontra katiwalian at hindi dapat magpadala ang taumbayan sa mga salsol ng ilang pulitiko kaugnay sa tangkang pagkilos ng militar laban sa katiwalian.
Tiniyak din ni Col. Padilla na sa halip na daanin sa dahas ang kampanya kontra korapsyon, mas naisin nilang gumulong ang due process at iba pang solusyon upang matuldukan na ang mga problemang naka-ugat sa katiwalian.